Sa ating lipunan, m araming nangyayari masama sa ating lipunan. Maraming naghihirap dahil sa diskriminasyon kagaya ng pagpapakamatay, pagkakasakit at pagkulong. Maiiwasan naman natin ito sa mga iba't ibang paraan. Isa ang pagsasalita at pagkilos dahil may malaking epekto ito sa personalidad ng isang tao. Kung may manghuhusga, dapat ipaliwanag natin sa kanila kung ano ba ang ating nararanasan o nararamdaman para maintindihan nila. Makakatulong ako sa pagtigil ng diskriminasyon sa pamamagitan ng paggiging mabuti sa lahat at pakitunguhan ang lahat nang may paggalang. Dapat maging mabuti tayo sa lahat para maiwasan natin ang mga kasamaan. Dapat din tayo tutulong sa mga taong naghihirap dahil sa diskriminasyon para maramdam nila na hindi puro kasamaan lang ang natatanggap nila. Sa totoo lang, hindi natin alam kung kailan mawawala ang diskriminasyon, pero para sa mga taong nakaranas nito, dapat alam natin ang ating gawin para maiwasan ang ganitong bagay.
Comments
Post a Comment