KAPAG ANG IYONG PUSO AT ISIPAN AY MASAYA, DUN MO MAKIKITA ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG KALAYAAN.

 Maraming kahulugan ang kalayaan kasi magkakaiba ang mga isip ng mga tao. Ang kalayaan ay kung saan magawa mo ang mga gusto mo at kung saan ikaw ay malaya at masaya. Bawa't isa sa atin ay may karapatan para maging malaya. Yung tipong walang titigil o gagapos sa atin.

Ang pagiging malaya ay nagpapakita din na hindi ka dumidepende o umasa ng kasiyahan sa iba. Iyong kaligayahan at pag-ibig na makikita mo sa sarili mo. Maganda sa pakiramdam ang makakita ng kaligayahan at pag-ibig sa ating sarili. Para sa akin, malaya na ako kasi walang makakapigil sa atin kapag masaya o mahal natin ang ating sarili. Makikita natin ang tunay na kaligayahan kapag susundin natin ang ating puso at isipan. 

 Sumasang-ayon ako sa aking pahayag basta yung desisyon mo ay hindi nakakasama o nakakasakit ng ibang tao. Dapat parin natin malaman ang mga tama at mali para hindi tayo magkakamali sa pagpili ng mga desisyon sa ating buhay. Puno ng pag-ibig at kaligayahan ang kalayaan, hindi ang takot, poot at galit ang nararamdaman mo..

Comments

Popular posts from this blog

20th Century Art Movement

JOURNAL DISKRIMINASYON